Saturday, December 7, 2013

HYUNDAI (Ang una kong word na nakita ngayong araw)


Damang-dama ko ang bawat lagutok ng mga buto ko. Bawat unat ko at tangkang pagtayo ay pawang mga bigo. Wala pa yata sa isip kong umaga na. Na kahit maging init ng sinag ng araw ay sinasampal na ako sa mukha magising lang.

Katamaran ang tawag dito ng ilan. Yung pagpasok sa C.R. nang dahan-dahan at pag idlip kahit pa nakasampa ka na sa inidoro. Iyong iba nagkukumahog na. Sa pagamadali panga'y halos makalimutan maging ang pagsisipilyo. Samantalang ako ay humahanap pa ng buwelo. Kailan ko kaya maibubuhos yung isang tabong tubig sa ulo ko?


Animo'y langgam na may trapikong sinusunod ang buhay ko. Ang araw-araw ay paulit ulit lang na ruta na wala namang katiyakan kung saan papunta. Iyon ang dahilan kung bakit nakakawalang gana. Na ang bawat umaga ko ay kapareha lang ng kahapon ang dahilan kung bakit mas gugustuhin ko pang kumawala sa  lobby at makipag kwentuhan na lang sa iba kaysa ulitin ang araw na inulit na ng higit pa sa siyamnapu't siyam na beses.

Naiba lang nang kaunti ngayon. Dahil paggising ko, bago ko kamutin ang stretch marks ko, ay nag type muna ako ng para sa online writig subject ko. Ito na yun actually. At least kahit papaano, nabawasan ang paghikab ko at naipasa ko sa iyo habang binabasa mo ito XD.

Sa bawat umagang nagigising ako, para akong computer na karereboot lang at nagloloading. In short, NATATANGA. Walang pumapasok sa isip ko kundi kung ano kayang kakainin ko at may susuotin pa ba ko?

Parang matic na sigurong kung hindi pogi problems ang almusalin ko eh huwag naman sanang mga problema sa COC ang maalala ko. Tiyak kasing kung magkakaganun, sira na agad ang araw ko.

Iispin ko pa lang kung ano kayang thesis title ko, na mas pinili kong umalis sa grupo dahil ayoko silang idamay sa pagbagsak ko, na patuloy akong namomrobema pero ang masakit eh, nang ako lang mag-isa, isa ring suliraning dumadapo saisip ko eh kung papaano ko na ba wawaksan ang buhay ko XD. Haha,

Sa bawat umagang ipipaalala sa akin ag mga maling desisyon ko sa buhay ko, at mga responsibilidad ko na hindi ko nagampanan, lalo akong na dedepressed at lalo akong nahihirapan sa kakaisip ng intro sa death note ko XD.

Pero matatag ako.. sabi nga ng bata sa amin eh.. "malaki na ako, bente na ngabaon ko eh" kailangan kong ituloy ang digmaan at lumaban bawat araw. Hindi ako pwedeng basta sumuko. Kahit alam kong mag isa lang ako at bilang lang sa daliri ko ang mga kaibigan ko, at kung marami man, dapat ko pa ring ipilit sa sarili kong huwag umasa sa iba. Dapat akong maging masaya sa sariling paraan. Aasa na lang ako na kaunting tiis na lang at bukas panibagong chapter na naman.. Oo tama..

Kaunting tiis na lang..

Kaya nakakapagod maging ako. Umaga pa lang andami ng problema. haha. Pero sa ngayon, ang tanging nasa isip ko, eh kung Ma'am K., pwede na po ba to?

#breakmuna




2 comments:

  1. Para kang tanga Dan. Andaeng tumitingala sa'yo sa COC kasi good leader and speaker ka tapos yan ang iisipin mo? Death note mo? Sapakin kita jan eh. HAHA
    De srsly Dan, Maraming taong concerned sa'yo, di mo lang nahahalata. Pumasok ka na kasi ng mga klase naten, hane?

    ReplyDelete
  2. Dan

    bawat araw na ibinubuhay natin ay sagisag na tayo ay may purpose at may dapat pa tayong gawin..

    nandito lang kami sa tabi mo...

    huwag kang mahiya at mag-atubiling lumapit sa amin.

    We cannot afford to lose another loved classmate :(

    ReplyDelete