Tuesday, January 7, 2014

How to be Happy

How to be HAPPY :)

Troubled life?

Nasaang panig man tayo ng mundo ngayon, yun ay hindi dahil sa dito tayo ipinanganak, kundi dahil sa dito tayo dinala ng ating mga paa.

Choice nating lumakad at gumala. Malaki ka na! Choice nating lumipat ng lugar at hanapin kung saan tayo masaya. In short, choice mo kung nasaan ka.

Masakit mang tanggapin, ngunit sa huli ano man ang mangyari sa iyo, mapahamak ka man at mapariwara, magkamali ka man at bumigay, sumuko, wala kang ibang pwedeng sisihin kundi ang sarili mo. Kasi nga "choice" mo yan. Kahit pa, naiipit ka lang, nalito, nabigo, choice mo pa rin yan. Talo ka pa rin kasi nga choice mo yan. Masaklap pa, haharapin mo ang mga consequences na sobrang malala.

Sana may restart button sa lahat. Pero kung meron man, pindutin mo man, may isang bagay kang hindi maibabalik... Yun ay yung oras na nasayang na. Kahit sa computer games di ba? May game over ka man at may natira kang barya, maghulog ka man ulit, d niyan kayang ibalik ang oras mong nilaan sa unang larong ipinatalo mo lang. Natalo o ipinatalo,  "who cares" ... Talo na nga di ba?

Kahit pa ang lahat ay hindi mo naman talaga choice.. (Sino bang ginustong mapahamak?)
Wala ka pa ring palag. Kasi ang lahat ay bunga pa rin ng mga CHOICE mo.

Paano ka mananalo? Sa kabila ng walang hanggang chain ng talo? Simple, maging masaya ka, tumawa nang parang baliw, walang problema. Kahit isang beses lang tumakas ka. Kasama ng barkada.  Para kahit minsan may panalo ka, kahit saglit lang...

How to be Happy? Watch the video!! Taken Dec. 21, 2012.. Magugunaw na raw ang mundo. Kaya ako at ang tropa ko eto... Nagbaliw baliwan hanggang dulo!!

https://www.facebook.com/photo.php?v=10200243919769925&set=vb.1510726800&type=3&theater