Sunday, December 29, 2013

Palayain ang bilanggong isip : Teorya ng Ebolusyon


Sinasabing...

"Ang tao ay posibleng nagmula sa unggoy!" ayon kay Charles Darwin.

Mula sa Hominid Primates (25 milyong taon nang nakararaan), naging Homo Habilis na sinasabing gumawa ng mga kasangkapan at kagamitan mula sa bato at buto ng hayop (2.3 milyong taon nang nakararaan).

Naging Homo Erectus na pinaniwalaang unang gumamit ng apoy sa pagluluto at ang unang lahi umano na nakapaglakad ng tuwid (1.8 milyong taon nang nakararaan).

Naging Homo Neanderthalensis (250,000 years ago) bago naging Homo Sapiens (100,000 taon nang nakararaan hanggang sa kasalukuyan)."

Ginulo ko. (2008). Teorya ng Ebolusyon
http://ginuloko.blogspot.com/2008/11/teorya-ng-ebolusyon_02.html


Ang Teorya


Ang ebolusyon ng tao ay ang proseso ng pagbabagong nagbunga ng paglitaw ng mga modernong tao o homo sapiens (tao). Ang proseso ng ebolusyon ng tao ay nagsimula pa sa pinakapayak at unang anyo ng lahat ng buhay ngunit ang paksa ng ebolusyong pang-tao ay sumasaklaw lamang sa kasaysayang pang-ebolusyon ng mga primado (primates, unggoy), partikular na ang homo at hanggang sa paglitaw ng Homo Sapiens bilang naiibang uri ng hominids (bakulaw o ape). Ang ebolusyon ng tao ay sinasangayunan ng maraming disiplinang pang-agham kabilang na ang henetika, antropolohiya, primatolohiya, arkeolohiya, at embryolohiya.


Heng HH. (May 2009).
"The genome-centric concept: resynthesis of evolutionary theory".
BioEssays 31 (5): 512–25. doi:10.1002/bies.200800182. PMID 19334004.

Boyd, Robert; Silk, Joan B. (2003).
How Humans Evolved. New York, New York: Norton. ISBN 0-393-97854-0.

na may salin sa wikang tagalog sa:

http://tl.wikipedia.org/wiki/Ebolusyon_ng_tao


Hindi nga kaya?




Collins, Nick. (2012, May 03). Gene which sparked human brain leap identified.
http://www.telegraph.co.uk/science/evolution/9244310/Gene-which-sparked-human-brain-leap-identified.html


Habang sinusulat ko ang article na ito ay paulit ulit kong hinihimas ang pwet ko. Iniisip ko na kung totoo ngang minsan'y nagkaroon ako ng ninunong unggoy, at ako ay nanatiling unggoy, saan kaya marahil nakapwesto ang buntot ko? Ito kaya ay sakto sa guhit ng pwet ko? O singhaba rin ba ng buntot sa harap ko? Mabuhok ba o panot ito? Mestiso ba o maitim ito?

Walang malisya. Gaya ng "socially constructed" na tama at mali, pilit ding pinipigilan ng "bible constructed way of thinking" natin ang kalayaan nating mag-isip. Nalilimitihan ang lugar at kumikipot ang hangganan ng kaniyang (utak) paglalayag. Katulad halimbawa ng sa ganitong tanong (naniniwala ka ba sa theory of evolution), duda ko kung pupusta kang pabor na ikaw at ang lahi mo ay nagmula sa unggoy :) !

Sabi nga ni Ricky Lee, ang istorya ay nagsisimula sa pag-iisp natin ng "What ifs." Kung gayon, paano nga kaya kung totoo? Kung totoo na sa unggoy tayo nagmula?


Hindi ko naman sinasabing hindi tayo likha ng Diyos!

Ang tanging "What if" ko lang ay paano kaya kung ang unang taong nilalang ng Diyos ay mga unggoy? Imagine, unggoy na Adan at unggoy na Eba?

wika nga ni Mrs. Viray, professor namin sa Film Appreciation, "ang tanong dito ay hindi "is this real" o "totoo ba ito?" kundi "posible ba ito?"

at aminin mo, at some point of your hypothalamus, maybe your pons, nagsasabing.. Oo, posible nga, kahit papaano...bakit hindi?


Posible nga ba?


Mula sa paglitaw ng mga Blue-Skin Man o mga taong may kulay asul na balat...



In the 60’s of the 19th century, one huge “blue” family was found dwelling in the mountain of Kentucky, U.S.A. Though they had all their bodies covered with blue skins, they rarely sick, instead they had a lifespan of more than 80 years old. 




Pagtubo ng Spruce tree sa baga ng tao..




Its truly unbelievable that a 5 centimeter Spruce tree can grow inside the lungs of a Human. Its true and happened with a Russian man. He came to know about it when he started having acute chest pains and coughing up blood.




Paglitaw ni Dede 'The Tree Man' o ng taong puno..




Dede who is from Indonesia is called the Tree Man because he has tree like warts which are developed on his body especially most on limbs. This is also caused due to a genetic disorder




Human Werewolf..




Hypertrichosis or Werewolf Syndrome is caused by a genetic mutation but still the actual cause is unknown. Its symptoms are characterized by the excessive growth of hair on places on the body where hair usually does not grow. The people suffering from this are called HUMAN WEREWOLVES due to excessive hair growth on their bodies




At ng mga taong may buntot..




Well, Tails in Humans also grow in some very rare cases. 

These are actually extinct characters.

(n.d.). The Most Horrible, Weirdest, Strangest Human Diseases.http://file.status.net/m/mytingoo/wwwmytingoocom-20110428T144138-bglxdvp.html


Tellnothing. (n.d.) Human Tails and Other Terrifying Mutations.
http://www.huffingtonpost.com/2013/02/11/human-tails-and-other-mutations_n_2663606.html 

Ang lahat ng ito ay nagbubukas at nagpapalakas ng argumentong hindi malabo na ang tao ay nagmula nga sa unggoy. Ang mutation o DNA, mga sakit at mga kasong katulad nito ay bahagyang ipinapaliwanag na ang hubog o anyo ng tao ay maaaring nabago nga at magbago pa o mag evolve patungo sa panibagong anyo.

Marami nang pagbabago ang naganap sa anyo ng tao sa ngayon. Napakarami nang paliwanag ang inihahain ng sensya na bagama't walang direktang nagpapatunay sa teorya ng ebolusyon, ang lahat ay pawang nagsasabing hindi ito imposbleng mangyari.


Walsh, Christopher. (2010, May 13). Primate skull series with legend cropped.
http://en.wikipedia.org/wiki/File:Primate_skull_series_with_legend_cropped.png

Posible! di ba?

Saturday, December 7, 2013

HYUNDAI (Ang una kong word na nakita ngayong araw)


Damang-dama ko ang bawat lagutok ng mga buto ko. Bawat unat ko at tangkang pagtayo ay pawang mga bigo. Wala pa yata sa isip kong umaga na. Na kahit maging init ng sinag ng araw ay sinasampal na ako sa mukha magising lang.

Katamaran ang tawag dito ng ilan. Yung pagpasok sa C.R. nang dahan-dahan at pag idlip kahit pa nakasampa ka na sa inidoro. Iyong iba nagkukumahog na. Sa pagamadali panga'y halos makalimutan maging ang pagsisipilyo. Samantalang ako ay humahanap pa ng buwelo. Kailan ko kaya maibubuhos yung isang tabong tubig sa ulo ko?


Animo'y langgam na may trapikong sinusunod ang buhay ko. Ang araw-araw ay paulit ulit lang na ruta na wala namang katiyakan kung saan papunta. Iyon ang dahilan kung bakit nakakawalang gana. Na ang bawat umaga ko ay kapareha lang ng kahapon ang dahilan kung bakit mas gugustuhin ko pang kumawala sa  lobby at makipag kwentuhan na lang sa iba kaysa ulitin ang araw na inulit na ng higit pa sa siyamnapu't siyam na beses.

Naiba lang nang kaunti ngayon. Dahil paggising ko, bago ko kamutin ang stretch marks ko, ay nag type muna ako ng para sa online writig subject ko. Ito na yun actually. At least kahit papaano, nabawasan ang paghikab ko at naipasa ko sa iyo habang binabasa mo ito XD.

Sa bawat umagang nagigising ako, para akong computer na karereboot lang at nagloloading. In short, NATATANGA. Walang pumapasok sa isip ko kundi kung ano kayang kakainin ko at may susuotin pa ba ko?

Parang matic na sigurong kung hindi pogi problems ang almusalin ko eh huwag naman sanang mga problema sa COC ang maalala ko. Tiyak kasing kung magkakaganun, sira na agad ang araw ko.

Iispin ko pa lang kung ano kayang thesis title ko, na mas pinili kong umalis sa grupo dahil ayoko silang idamay sa pagbagsak ko, na patuloy akong namomrobema pero ang masakit eh, nang ako lang mag-isa, isa ring suliraning dumadapo saisip ko eh kung papaano ko na ba wawaksan ang buhay ko XD. Haha,

Sa bawat umagang ipipaalala sa akin ag mga maling desisyon ko sa buhay ko, at mga responsibilidad ko na hindi ko nagampanan, lalo akong na dedepressed at lalo akong nahihirapan sa kakaisip ng intro sa death note ko XD.

Pero matatag ako.. sabi nga ng bata sa amin eh.. "malaki na ako, bente na ngabaon ko eh" kailangan kong ituloy ang digmaan at lumaban bawat araw. Hindi ako pwedeng basta sumuko. Kahit alam kong mag isa lang ako at bilang lang sa daliri ko ang mga kaibigan ko, at kung marami man, dapat ko pa ring ipilit sa sarili kong huwag umasa sa iba. Dapat akong maging masaya sa sariling paraan. Aasa na lang ako na kaunting tiis na lang at bukas panibagong chapter na naman.. Oo tama..

Kaunting tiis na lang..

Kaya nakakapagod maging ako. Umaga pa lang andami ng problema. haha. Pero sa ngayon, ang tanging nasa isip ko, eh kung Ma'am K., pwede na po ba to?

#breakmuna